ATTY.
RENATO U. GALIMBA
DANGAL
NG PAMAYANAN
Itinuturing kong kaloob
ng Diyos at banal
na tadhana ang pagkakasadlak ko at ng aking pamilya sa Barangay Greater Lagro.
Permanenteng namamalagi kami sa
Lagro mula pa ng 1981, bagaman at pag-aari na namin ang lugal na naging tahanan
ng buo naming mag-anak noon pang 1976.
Kapag inisip ko ang pagsisi-mula,
maituturing na isa kami sa pinakaunang gulugod ng pamayanan ng Barangay Greater
Lagro, halos bagnos pa mamang ng makabagong lansangan ang dinadaanan,
nagpapaikot-ikot sa pagmamaneho, tinatahak ang kugon at talahib, ginugulat ng
malalim na tarik at guwang ng La Mesa para namin masapit ang dulo ng kalyeng
kalauna’y naging Salubong na gumitna sa maikling daan ngayo’y tinatawag na
Mimosa.
Parang panaginip, dinatnan nami’y
banghay ng isang mababang bahay na sementadong bungalow, na ngayong ito’y aming
ipinaayos at iniangat, ay natuklasan ng aming mga karpinterong Bikolano na
nakatayo sa matibay na adobe.
Mula sa pangungupahan sa
Mandaluyong, sa bahay na ari ng tiyahin ni Edna May na nakatira sa Amerika,
lumipat na kami sa Lagro, at mula mga panahon ng 1981, sinimulan ko na ang
pagpupunla ng mga puno, waring iniisip kong gayahin ang kinagisnan kong nayon
sa Luntal ng Taal, Batangas na bago ako puma-Maynila ay pinaglingkuran ko
bilang tinyente del baryo ng tatlong taon, habang nagtuturo ako sa kolehiyo sa
Batangas City.
Isinilang ng bisyon ni Pangulong
Ferdinand E. Marcos ang pamayanan ng Lagro, para sa pamayanan ng mga taumbayan
na naglilingkod sa pamahalaan. Kung ang panaginip na pagpapabahay sa mga
pangkaraniwang Pilipino ay naipagpatuloy at napakalawak, ang sosyal na gusot at
problema ng walang tirahan, baha, trapiko, polusyon at kriminalidad sa
kasalukuyan kaipala ay natapatan na ng lunas nang maaga.
-o-0-o-
Nakatutuwa, dito sa Lagro,
nagkatipon-tipon ang pamayanan na may kanya-kanyang pangarap at pag-iisip.
Katulad ko, wala akong iniisip kundi ang pagtuwang ko sa pagpapabuti ng
pamayanan. Alam kong ito rin ang diwang gumabay sa lahat.
Sa aking palagay, napaka-halagang
bagay ang ating ginagawang pamimili ng ating mga lider. Bahagi ito ng proseso
ng demokrasya.
At dahil sa likas na katangian ng
pamayanan ng Barangay Greater Lagro, nasa gitnang uri (middle class) na
nag-iisip at nagsusuri lagi tayong wasto sa nagiging pasiya.
Halimbawa: sa pagpili natin ng
Punong Barangay, maituturing na ang pagtatampok sa kasalukuyang Punong
Barangay, si Atty. RENATO U. GALIMBA bilang Puno at Ama ng barangay nang
tatlong sunod-sunod na termino mula noong Disyembre 2007 hanggang sa ngayon ay
walang pasubaling makatarungang pasiya.
At pagkatapos ng isang taong
pagkakaupo, noong 2009 nag-umpisa nang umani ang ating Punong Barangay ng
Greater Lagro ng halos lahat na pinapangarap na parangal at gantimpala bilang
pagkilala ng kanyang paglilingkod, gaya ng mga sumusunod:
2009 -- BEST PUBLIC SERVANT AWARDEE, mula sa
Multi-Media International Foundation; ang News Update National Newspaper at ang
DWAD Hotline Balita “Ugnayan ng Masa,”; “BEST PERFORMING PUNONG BARANGAY OF
DISTRICT 2, QC”, mula sa “Young Women’s Christian Association of Quezon City
(YWCA-QC 38th Founding Anniversary Celebration; at “PHILIPPINE QUALITY SERVICE
AWARD OF EXCELLENCE, YWCA-QC.”
2010 -- “BLUE DIAMOND” AWARDEE FOR
EXCELLENCE AS PUBLIC SERVANT, mula “Young Women’s Christian Association ng QC,
YWCA-QC 39th Founding Anniversary Celebration; “OUTSTANDING PUNONG BARANGAY OF
QC”, YWCA-QC 39 Founding Anniversary; Special Awardee-- “BEST BARANGAY SOLID
WASTE MANAGEMENT PRACTICES” -- mula sa Pamahalaan ng Lungsod Quezon.
2011 -- MOST OUTSTANDING PUNONG
BARANGAY NG QUEZON CITY -- “Young Women’s Christian Association of Quezon City;
“GAWAD KARINGAL” PUBLIC OFFICIAL INDIVIDUAL RECOGNITION mula QC Police
District, 72nd Founding Anniversary Celebration QCPD.
2012 -- “MOST DISTINGUISHED PUNONG
BARANGAY OF QUEZON CITY”, mula sa United Alliance of Leaders in the World
(UALW); “DISTINGUISHED NATIONAL LEADER OF THE NATIONAL CAPITAL REGION (NCR)”,
mula sa United Alliance of Leaders in the World (UALW).
At sa matapat at mahusay na pamumuno
ni Atty. Galimba, ang ating pamayanang Barangay Greater Lagro ay nagtamo ng mga
natatanging karangalan (“HUWARANG BARANGAY” AWARDS) mula sa pamahalaan ng Lungod Quezon gaya ng mga sumusunod:
+ - Champion, “2011 Best Barangay
Peace and Order Committee”
+ - Champion, “2011 BEST BARANGAY
LUPONG TAGAPAMAYAPA”
+ - Champion, “2011 BEST BARANGAY
GENDER PRACTICES & RESPONSIVE GOVERNANCE”
+ - Champion, “2012 BEST BARANGAY
PEACE AND ORDER COMMITTEE”
+ - Champion, “2012 BEST BARANGAY
LUPONG TAGAPAMAYAPA”
+ - Champion, “2012 BEST BARANGAY
SOLID WASTE MANAGEMENT PRACTICES”
+ - Champion - “2013 BEST BARANGAY
PEACE AND ORDER COMMITTEE”
+
- 1st Runner-Up - “2013
BEST BARANGAY GENDER PRACTICES & RESPPONSIVE GOVERNANCE”
+ - Champion, “2014 BEST BARANGAY
PEACE AND ORDER COMMITTEE”
+ - Champion, “2014 BEST BARANGAY
LUPONG TAGAPAMAYAPA”
+ - Champion, “2014 BEST BARANGAY
SOLID WASTE MANAGEMENT PRACTICES”
+ - Champion, “2014 BEST BARANGAY IN
QUALITY LEGISLATION”
+
- Winner -
“2016 Seal of Good Housekeeping - GAWAD DANGAL NG LUNGSOD”
+
- Winner -
“2017 Seal of Good Housekeeping - GAWAD DANGAL NG LUNGSOD”.
Ang “GAWAD DANGAL NG LUNGSOD” ay
siyang pinakamataas na parangal na taon-taong iginagawad ng pamahalaang Lungsod
at DILG sa “Best Performing Barangay” mula sa kabuuang142 barangay dito sa
Lungsod Quezon.
At dahil ang ating barangay ay
nakamit ang nasabing parangal sa dalawang magkasunod na taon (2016 at 2017),
tayo ay siyang nag-iisang kandidato para
sa pinakamimithing “HALL OF FAME AWARD” na ibinibigay sa isang barangay na
magkakamit ng nasabing parangal nang tatlong sunod-sunod na taon.
At sa tulong-tulong nating
pagsisikap at sama-samang panalangin, tayo ay umaasa na mapapasa atin ang
natatanging parangal at maluluklok and ating pinakamamahal na barangay sa “HALL
OF FAME” ng “Seal of Good Housekeeping”.
Ako ay naniniwala, ang namumuno ay
kumukuha ng lakas at diwa sa pamayanang kaniyang pinaglilingkuran.
Ang mga tagumpay at pagkilala na iginawad sa ating Punong Barangay, Atty. Renato U. Galimba ay tagumpay at pagkilala rin sa dangal ng pamayanan ng Barangay Greater Lagro. (Domingo G. Landicho)

No comments:
Post a Comment