P/B Galimba: 10 taong tapat at matagumpay na paglilingkod sa barangay
Hindi
madali sa anumang pamunuan, ang manatili sa kanyang posisyon ng mahabang
panahon. Bakit ka nyo? Aba'y, iba’t-iba ang ugali ng mga tao sa ilalim ng isang
pamunuan, at lagi’t-laging may katunggali ka sa politika.
Sa taong ito ng 2018 ay isang buong dekada
nang nanunungkulan si Atty. Renato U. Galimba bilang Punong Barangay dito sa
ating kumunidad. Ano kaya ang sekreto o pinanghahawakan ni Atty. Galimba at
naging matagumpay at mabunga ang kanyang pamumuno? Sang- ayon sa aking
pag-aaral o pagsusuri, ang susi sa kanyang tagumpay ay ang pagkakaroon niya ng
katangiang tatlong "M" tulad
ng mga sumusunod:
1. Mapag-unawa.
2. Mapagpakumbaba.
3. Mapagpatawad.
Ganito
ang sinasabi sa Biblia tungkol sa tatlong “M” na ito:
“Mapag-unawa” -- Rom 15:1
"Tayong malalakas sa paniniwala ay dapat tumulong sa mahihina at huwag ang
pansariling kasiyahan lamang ang ating isipin."
“Mapagpakumbaba” -- Santiago 4:6
Ngunit higit na malakas ang tulong na ibinigay sa atin ng Diyos. Sapagkat ang
sabi sa Kasulatan: "Ang Diyos ay laban sa palalo, ngunit tumutulong sa mga
mapagpakumbaba." Filipos 2:3 "Huwag kayong gumawa ng anoman dahil sa
pansariling layunin o pagyayabang; sa halip, bilang tanda ng pagpapakumbaba,
ituring ninyong higit ang iba kaysa inyong sarili."
“Mapagpatawad” -- Mateo 6:14
"Sapagkat kung pinatatawad ninyo ang mga nagkakasala sa inyo, patatawarin
din kayo ng inyong Amang nasa langit." Colosas 3:13 "Magpasensiya
kayo sa isa't-isa. Kung may hinanakit kayo kaninuman, magpatawad kayo gaya ng
pagpapatawad sa inyo ng Panginoon."
Nagsiyasat ako sa kasulatan, at nabasa ko
ang karanasan ni Apostol Pablo noon sa paglilingkod, na kung saan ay napansin
niya na kung sa sarili lang niya ay hindi niya magagawa ang mga nagawa na niya,
kung hindi dahil sa biyaya ng Diyos. Sabi sa 1 Corinto 15:10 "But by the
grace of God I am what I am, and His grace toward me was not in vain. On the
contrary, I worked harder than any of them, though it was not I, but the grace
of God that is in me." Bagama't ang kontexto ng talatang ito ay paglilingkod
sa Diyos sa pamamagitan ng pangangaral, pero ito ay kahalintulad ng paghihirap
at pagsusumikap.
Sa karanasan ng ating Punong
Barangay Atty. Galimba, ay makikita rin ang kanyang paghihirap at pagsusumikap
na maging matapat at maayos ang kanyang pamumuno, at makikita rin na kung hindi
dahil sa biyaya ng Diyos, ay marahil hindi rin niya makakamtan ang tagumpay na
ito.
Dahil sa biyaya ng Diyos, napakalaki
ang ipinagbago at ipinag-unlad ng ating kumunidad, ang Barangay Greater Lagro,
sa panahon ng panunungkulan ni Atty. Galimba.
Gayun din, mas lalong hinamon ang kanyang pamumuno, nang atasan siya ng
ating President Rodrigo Roa Duterte, na pangalagaan ang mga nabiktima ng
ipinagbabawal na droga sa ating kumunidad.
Para sa kaalaman ng lahat, dito lang
sa Barangay Greater Lagro, ang maraming biktima ng ipinagbabawal na droga ang
naka-graduate sa pamamagitan ng “Spiritual and Moral Recovery Program, at
Counseling Sessions” na isinasagawa ng “Ugnayan ng Barangay at Mga Simbahan o
UBAS” sa pangunguna ni Punong Barangay Atty. Galimba at mga Pastor o kinatawan
ng iba’t-ibang sekta o religious group dito sa ating barangay. At dahil sa
gawaing ito ay walang namatay o naging biktima sanhi ng kampanyang “Tokhang” ng
ating kapulisan, ‘di tulad ng sa ibang barangay o kumunidad!
Mayroon pang Christmas Party ng mga
biktima na tinatawag na natin silang Reformist ngayon. Mayroon ding Family
Outing, Camping, Capability Enhancement, Rover Scouting, at Swimming na ginanap
para sa kapakanan ng ating mga Reformist.
Kaya’t, kayo na po, mga kabarangay,
ang siyang magsabi o magpasiya, kung karapat-dapat ba na tumanggap ng mga
iba’t-ibang pagkilala at parangal ang ating Barangay dahil sa mga nagawa o
accomplisment na ito sa panahon ng pamumuno ng ating Punong Barangay Atty.
Galimba.
Ngunit kung ako ang tatanungin, itinuturing kong biyaya ng Diyos na binigyan tayo ng isang uliran at matapat na namumuno na taglay ang suporta ng kanyang buong pamilya na tulad ni Punong Barangay Atty. Renato U. Galimba. (Rev. Jose Burce, Jr.)

No comments:
Post a Comment